Let me share you today another thing that I’ve found out…There are

5 most common sources of stress(According  to  Dr. Thelma Rabago-Mingoa in one her research about Filipino Teachers” Stress level):

52%  –   having too much paperwork
51%  –   high cost of living
46%  –   insufficient salary and other money concerns
43%  –   oversized classes
32%  –  being too busy (including simultaneous activities as being enrolled in school, being employed, parenting, community service, and so on)

I bet,  your heads are nodding, right?

At alam mo din ba, Sabi nga sa isang nabasa kong article, ang pinaka stress na tao sa workplace ay mga katulad nating guro. (actually kahit paglabas ng school, stress pa din tama ba?). Itong trabaho natin ang pinaka stressful na trabaho compared to other professions (SA BUONG MUNDO)

BAKIT? I believe we are performing a multi-role. Imagine, bukod sa role mo na magturo ay magulang ka sa sarili mong pamilya at the same time tumatayo ka ding magulang ng mga estudyante mo.  Tapos may community service ka pa, nag reresearch ka pa, nagaaral ka pa ng MASTERAL or ng DOCTORAL.

Tayong mga guro ay WALANG TIGIL..
we NEVER STOP LEARNING
Syempre kailangang nating continuous na magbasa, mag research at mag update ng ating kaalaman.

E di lalo na kaming mga nagtuturo ng may kinalaman sa computers.  Every now and then, laging may bagong technology. May bagong app.  Kakaaral at kakaturo pa lng namin ng bagong programming language, at the end of the sem (or minsan wala pa) may mga bago ng programming language or technologies or tools. RECURSIVE learning.. aral ulit, turo, aral ulit, turo, hahahahaha…

Bukod dito syempre kung gusto mong mapermanent, or gusto mong tumaas ang rank mo (pati sahod), kailangan mong mag lelevel up. Kailangan mong mag enroll ng higher degree. Pursue ka ng Masteral.. kapag nakagraduate na sa Masters degree, level up na naman Doctorate Degree naman.

Ang pag-aaral pa naman ng higher degree ay nakakasakit sa utak, sa katawan, sa bulsa, atbp.

Just recently, by God’s grace ako po ay nakatapos ng ating Doctorate degree. The journey is not that easy, katakot-takot na wisdom ang kailangan upang makapasa sa lahat ng mga subjects lalong lalo na sa dissertation.  Yung feeling mo gusto mo nang sumuko, pero mali… bakit ka susuko? God is always there to provide and gives us wisdom and guidance. Be humble enough to ask for it.

kadalasan kse nauunahan tayo ng worry.. kakayanin ba? makakapasa ba? ano kayang itatanong ng mga panel? paano kung mali ang naging result ko? tama ba itong result ko? saan ako kukuha ng pang tuition? paano kapag ganito? paano kapag ganyan? at madaming madaming worries…

Ako po all through out my dissertation journey, I just Ignite the Power of Positivity.

Ignite within me the Power of Positivity:

1. Begin with Gratitude 
Always thank the Lord for the wisdom and all provisions. Kung nahihirapan ka, Thank you Lord pa rin, kase mas nag ggrow ka sa tuwing nahihirapan ka.. Huwag ka lng susuko.. huwag kang gigive up..

Tandaan mo Wala namang magandang bagay na hindi dumanas ng matinding proseso.
Tulad ng Ginto… Bago maging kumikinang na ginto ang ginto, dumaan iyon sa matinding heating process…
Ang wine.. ang napakasarap na wine.. It would take years before it can taste like a very good wine.

2.  Focus on Today 
Take one day at a Time.  A little progress is still a PROGRESS.
“Worry does not empty tomorrow of its sorrow,
it empties today of its strength.” ― Corrie ten Boom

Bakit mo ipepre-occupy ang utak mo sa mga bagay na hindi pa naman nangyayari or maaaring hindi mangyari. yung “E baka kse ganito mangyari bukas?”, “Ë baka hindi gumana powerpoint ko?”, “Baka hindi gumana system ko?”, etc etc.

Of course if you do not plan to fail, you do not fail to plan. Syempre may courses of actions ka.. and if things turn out not according to what you have planned, then let it be.. Accept the inevitable… There are things that we can’t control, and we have to accept that..

3.  Be Humble –
Humility is the key to all success.

Kahit ano pang narating natin, let us always be humble enough.  Learn to ask.. Ask for help.. Kung hindi mo na talaga kaya, seek advices and help from those that you think might help you…

Don’t worry! Mostly pa nga ng mga successful na tao ay madaling lapitan and willing ishare ang kanilang natutunan.

Just be Humble. Especially in the eyes of God. When you seek first the kingdom of God, everything follows. (everything shall be added unto you)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.