Hi Judith! este Kapatid

Ganyan ang nangyayari sa atin kapag malapit na si Judith… Kung sino sino na natatawag natin… tama ba? 

Kilala mo ba si Judith? Halos lahat ng adults may Judith na kilala at minsan kinakatakutan or iniiwasan…  And it makes one person ‘s life sometimes or more often WORRY and get MISERABLE.

Gusto mo ba siyang  makilala?
Si Juding ay si…

Judith na ng meralco

Judith na ng bahay
Judith na ng amortization
Judith na ng  water bill
Judith na ng tuition fees
Judith na ng utilities (phone na landline, cellphone, etc)
Judith na ng car loan
Judith na ng credit card
Judith na ng ….. at kung ano ano pang Judith

Okay lng yan,
pinagdadaanan talaga ang mga Judith sa buhay natin pero dapat hindi tayo matakot at malunod sa Judith na yan.

Paano? take it one at a time.  Dapat naka plano ang income mo.. at dapat naka plano din ang mga bayarin… Just have the right mindset to take all these responsibilities properly.  Para matapos na din ang pagsunod sayo  ni Judith.

marami sa ating mga guro ang baon sa utang… hindi lng si Judith ang kilala.. Pati si Loandon.
Loan dito at Loan doon… dahil sa patong patong na utang, ayun lubog na lubog na…
I fully understand that because I have been there… Si Judith at si Loandon ininvite na si Stress…

Alam ko ang feeling ng stress.. alam ko ang feeling na nag woworry… Tulad ng sabi ko sayo kanina, I’ve been there.. But, through right mindset, right planning, right knowledge unti unti nabago ko ang lahat.

And dahil dito, lalo kong naging gustong ADVOCACY ay tulungan ang kapwa ko guro na matutunang ihandle ang mga sitwasyong katulad nito.. 

Alam mo ba Ang dami kong pinagdaanang pinansyal na dagok sa buhay…
One month and one week ang bunso namin sa Neonatal ICU kse she was born premature. 
Na pre-eclampsai ako at naapektuhan ang pagbubuntis ko, kaya wala sa buwan, napaanak ako (emergency Cesarean) sa bunso namin. At naconfine kami sa pinakamamahaling ospital sa aming lugar.  Idagdag pa ang pagkaka confine ng aming anak na bunso ng 1 month and 1 week sa NICU.. Na-imagine mo ba    kung ilang daang daaang libo ang bill namin? mahigit 300,000 pesos(year 2007 medyo malaki laki pa ang halaga nun) wala pa dun yung mga gamot na binili na namin sa labas ng ospital dahil hindi na kaya ng limit sa ospital bill.

Hindi lang yan, wala pang isang taon naospital ang mommy ko… Ako halos ang nag produce ng perang pang tustos sa ospital bill at mga kailangang gamot, gamit, pagkain hanggang sa paguwi, hanggang sa maka recover. Although may nag abot ng tulong pero maliit lng kumpara sa naging gastusin ko.

Sumubok akong mag ibang bansa, nangutang ako.. pero hindi ako pinalad na magka trabaho agad sa unang subok ko.  May employer na tumanggap sakin kaya lng ang proseso ay napakatagal.

Wait there’s more.. pag uwi ko, wala pang 1 year, nagkasakit ang kapatid ko at na confine sa ospital (dun din sa mamahaling ospital) syempre dalawa lng kaming magkapatid, at senior na ang mommy namin e di syempre ako lng ang pwedeng umako ng lahat ng gastusin…  Wala na sa akin ang usaping pera.. kahit magkabaon baon pa ako sa utang basta masurvive lng ang kapatid ko.. ang nag iisang kapatid ko… pero sadyang masaklap, namatay pa din sya.

Sumubok ulit akong umalis, para makaahon naman,  pero sadyang mapagbiro ang tadhana… umuwi din ako after 4 months, at soon enough 6 months after kong umuwi, namatay naman ang mommy ko..

hindi lang FINANCIAL PAIN ang naranasan ko.. mas lalong masakit ang EMOTIONAL PAIN…
it lingers…

Pero laban lng Merly… Kapit lang…. Yan ang lagi kong sinasabi sa sarili ko.. matatapos din ang lahat… and true enough, one at time, God continually gives me strength in all of these pains…  (hindi pa yan.. meron pa.. pero mahaba na itong email ko eh.. next time na lng)

Kung kaya’t naisip kong ibahagi ang mga natutunan ko sau, at mga karanasan ko upang makatulong sa kapwa ko.

Itong Teachers Academy Online ang naging instrumento ko upang kayo ay maabot.

To know more about me, tips, and techniques on how to survive not only teaching life but our LIFE as a whole as well, please send me an  email to admin@iteachpreneur.com and drag my email to “Primary Tab” so that next time I will email you – you can easily see it there.

For your stress-controlled life,
Merly
Founder of Teachers Academy Online

3 comments to “Judith”

You can leave a reply or Trackback this post.
  1. Vera - August 21, 2018 Reply

    Thanks for the great manual

    • admin - September 10, 2018 Reply

      Your welcome Vera. 🙂

  2. ปั้มไลค์ - May 24, 2020 Reply

    Like!! Really appreciate you sharing this blog post.Really thank you! Keep writing.

Leave a Reply

Your email address will not be published.